Sa pagsasama-samang pagtutulungan ng mamamayan at pamahalaan, makakamit ng bawat isa ang maunlad at maalwang pamumuhay — ito ang pinatunayan at mensahe ni Gobernador Eduardo B. Gadiano sa kanyang pagdalo sa SGLGB Turn-over Ceremony ng Construction of Drainage Canal sa Barangay Poblacion Dos, bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Occidental Mindoro, kaninang umaga, ika-30 ng Hulyo, taong kasalukuyan. Ang nasabing proyekto ay mula sa inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan bilang pagkilala sa pagkakabilang ng nasabing barangay sa mga ginawaran ng SGLGB ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ang proyektong construction of drainage canal ay pinili mismo ng mga residente at opisyales ng Barangay Poblacion Dos upang masiguro ang tuluy-tuloy na daloy ng tubig, lalo na sa panahon ng tag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha. Ang naturang proyekto ay pinondohan ng PGOM na may halagang Isang Milyong Piso (Php 1,000,000.00), samantalang ang labor o manpower naman ay sa pamamagitan ng pagtutulung-tulong ng mga residente ng naturang barangay.Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga residente, sa pangunguna ni Barangay Captain Joseph A. Gonda, sa PGOM at kay Gov. Ed Gadiano para sa malaking tulong na kanilang natanggap para sa kanilang barangay. Kasama at nakiisa sa nasabing turn-over sina Hon. Mayor Ernesto Torreliza ng bayan ng Sta. Cruz; SP Board Member Hon. Ryan Gadiano-Sioson; SB Councilor Hon. Rigy Basit ng bayan ng Sta. Cruz; Ms. Gregoria Galindez, Project Committee Chairperson; mga opisyales at kawani ng barangay at LGU Sta. Cruz; at Rev. Fr. Mauro Arevalo, Parish Priest ng Holy Christ, na nanguna sa pagdasal at pagbabasbas sa nasabing proyekto. 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔! #SerbisyongGanado#SerbisyongGadianoLagingGanado