Personal na ipinamahagi ni ππ’π©ππ₯π‘π’π₯ ππ ππππππ‘π’ ngayong araw, Agosto 5, 2025, sa Kapitolyo ng Lalawigan ang abono o fertilizer para sa mga magsasaka na kabilang sa mga identified beneficiaries na naapektuhan ng nagdaang bagyong nagdulot ng malaking pinsala sa lalawigan.
Β
Ito ay isa sa mga interbensyon na isinasagawa ng Pamunuang Gadiano na bahagi ng patuloy na programang ipinatutupad ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA), sa pamumuno ni Ms. Alrizza C. Zubiri. Layunin nitong matulungan at agad na tumgon sa mga agarang pangangailangan ng mga mamamayan tuwing may kalamidad.
Β
Bawat bayan sa lalawigan ay mayroong tinatayang 52 na mga benepisyaryo batay sa datos na isinumite ng kanilang Municipal Agriculture Office (MAO). Bagamaβt hindi pa saklaw ang lahat ng bayan sa pamamahagi ngayong araw, tinitiyak ng pamahalaan na mabibigyan ang lahat ng kwalipikadong magsasaka sa mga susunod na araw.
Β
Katuwang ni Gov. Ed sa naturang aktibidad si Sangguniang Panlalawigan Member Hon. Eddie Masangkay. Makakaasa ang lahat na patuloy na pagsusumikapan ng Pamahalaang Panlalawigan na maipaabot ang mga kinakailangang tulong at serbisyo saan mang bahagi ng lalawigan.
Β
π¦ππ₯πππ¦π¬π’π‘π πππ‘πππ’! πππ‘πππ’ π‘π, π ππ¦ πππππ‘ππππ‘ π£π!


