⚠️ WEBSITE IS CURRENTLY UNDERGOING UPDATES AND MAINTENANCE. ⚠️ You may still continue to browse as usual. Thank you for your patience and understanding.

Occidental Mindoro
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
OCCIDENTAL MINDORO

1ST DISPOSAL OF VALUELESS RECORDS NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN , ISINAGAWA PAGKATAPOS NG 40 TAON

𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗘𝗗 𝗚𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡𝗢, 𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗣𝗢𝗦𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘𝗟𝗘𝗦𝗦 𝗥𝗘𝗖𝗢𝗥𝗗𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Kaisa si 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗘𝗗 𝗚𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡𝗢 sa kauna-unahang Disposal of Valueless Records na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw, Agosto 6, 2025, sa Kapitolyo ng Lalawigan.
 
Isinagawa ito makalipas ang apatnapu’t (40) taon upang linisin at ayusin ang mga lumang rekord ng pamahalaan, katuwang ang National Archives of the Philippines sa pangunguna ni Mr. Kevin Barrientos, Records Management Analyst II.
Ayon kay Gov. Ed, ito ay isang hakbang sa pagsunod sa rekisito ng Seal of Good Local Governance (SGLG) para sa tapat at maayos na pamamahala. Sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan at sa tulong ng mga katuwang na ahensya, naisakatuparan ang disposal alinsunod sa pamantayan.
 
Kabilang sa mga dumalo at naging bahagi ng aktibidad sina Provincial Administrator Muriel M. Reguinding, SP Member Hon. Julius Glenn Espejo, COA Supervising Auditor Etheliada A. Vizconde, mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, at mga kinatawan mula sa mga kaisang tanggapan.

 

SERBISYONG GANADO!
GANADO NA, GAGANAHAN PA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *